KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
MGA TUNGKULIN NG WIKA
Ang anim sa pitong tungkulin ng wika ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod:
⧭ Interaksyonal -nakakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
⧭ Instrumental-tumutugo sa mga pangangailangan ng mga tao sa paligid.
⧭ Regulatoryo - wikang gumagamit ng kondisyonal, kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal at iba pa.⧭ Personal - nakakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
⧭ Imahinatibo -nakakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.(ie. mga tula awitat iba pa.)
⧭ Heuristiko-nag hahanap ng mga impomasyon/datos at gamit ng mga taong nais magkamit ng kaalamang akademiko at/o profesyonal.
1. Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag , pagpapanatili , at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga, kasi ang tao ay nilikhang panlipunan (sosyal beings , not only human beings.) . sa pasalitang paraan pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan ( Magandang umaga , Maligayang kaarawan, hi/hello at iba pa.), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan , pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan . Ang pakikipag -chat sa mga kaibigang nasa malayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkulin nito.
2. Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan . Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos . Ang pagawa ng liham-pangangalakal o business letters ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating iba't ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter , bukod sa iba pang requirements.
mga halimbawang larawan:3. Regulatoryo ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Pinakamahusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala . Ang mga panuto sa pasusulit at mga nakapaskil na do's and don't's kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkulin nito.
mga halimbawang larawan:
4.Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon . Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito . Samantala ang pasulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimabawa nito sa pasulat na anyo.
mga halimbawang larawan:
5. Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapayahag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma , tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula nobela maanyong sanaysay at maikling katha o kathang-isip.
mga halimbawang larawan:
6. Heuristikiko ang tungkulin ng wika ay ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabilang nito ang tungkuling Impormatibo na ginagamit sa pag bibigay ng impormasyon. Samakatuwid , ang pagtatanong ay Heuristiko at ang pag sagot sa tanong ay Impormatibo (maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa survey sheets ay impormatibo. Ang pakikinayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristiko. Ang pag-uulat , pagtuturo at pagpapasa ng tula o pamanahong-papel naman ng tungkuling impormatibo.
mga halimbawang larawan:
mga halimbawang larawan:
Samantala, sa Uses of Languaage , binanggit ni Frank Smith (1977) ang kanyang mga sumusunod na puna:
1. Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon.
2. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi nangangahulugang kasanayan sa iba pa.
3. Hindi lamang isang tungkulin o gamit pangwika at kailangan ng nagsusulat ang mambabasa.
4. Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang mambabasa.
5. Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat o mga paraang berbal). Madalas upang maging higit na mabisa ang komuniksyon, kinakailaangang gamitin ang kumbinsyon ng wika (berbal) at ng iba pang alternatibo tulad ng pagsasakilos , pagkumpas, pagsalarawan at ekspresyon ng mukha (mga paraang di-berbal).
MGA PARAAN NG WIKA
Ayon kay Jokobson(2003)- may anim na paraan na paggamit ang wika , ito ay ang sumusunod:
1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
-saklaw nito ang pagpapahayag ng saloobin, damdamin o emosyon.
halimbawang larawan:
2. Paghihikayat (Conative)
-ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
halimbawang larawan:
→ ang larawan din ito ay nag papakita ng pakiki-usap o please sa isang bagay na nais mong ipagawa o gawin. Maraming urin ang paraan ng pakiki-usap upang himukin ang isang tao kagaya nitong mga halimbawang laran.
➡ang paki-usap ay nag mamakaawa sa isang tao pero naka dipendi ito sa mga sitwasyon ganun narin sa pag-utos o pag-uutos katulad ng mga larawang sumusunod.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-ginagamit ang wika upang makipag-ugnay sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
halimbawang larawan:
a. makapagsimula ng usapan ay ang sumusunod:
-ang mga larawang ito ay nagpapakita ng pagsisimula ng usapan.
b.makipag-ugnay sa kapwa ay ang sumusunod:
-ang larawang ito ay nag papakita ng pakikipag-ugnay sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagtulong kagaya ng mga halimbawang larawan.
4. Paggamit bilang Sanggunian (referential)
-ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
halimbawang larawan:
→ sa pamamagitan ng mga aklat at pagbabalita o sa mga magasine ay matutukoy natin ang mga impormasyon at mensahe nito.
5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalingual)
-ito ay ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
halimbawang larawan:
6. Patalinghaga (poetic)
-saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
halimbawang larawan:
THANK YOU!!!!!!! tapos narin :)
TumugonBurahinwaw
TumugonBurahin